Wednesday, December 10, 2008

sa aking kaibigang nawalay

matagal na nung tayo'y huling nagkita
inaasam kong ikaw ay makasama
ang iyong halakhak ay magandang mukha
kahit saan man ikaw ay nakikita

ilang mga taon na rin ang lumipas
mga ala-ala'y nag-iwan ng mga bakas
naalala ko pa nung ika'y umiyak
'sandaang kamag-aral ang humalakhak

talagang nakakatuwa mang isipin,
ngunit meron akong di maamin-amin
ako ngayo'y malungkot at nag-iisa
ako'y naghahanap ng iyong presensya.

mis ko na ang ating mga pagdadamayan,
kalungkutan at mga pag-aawayan.
lalong lalo na ang ating mga tawanan,
biruan,kantsawan, at pag-iingayan.

hindi ko tuloy lubos maisip
na ako ay para lamang nakaidlip
tila napaikli ng panahong iyon
na dagli lang natapos at itinapon

nais ko lamang iparating sa iyo
na ang tulang ito ay iaalay ko
sa taong matagal nang nawala sa 'kin
ngunit, ibublong na lang sa hangin..

No comments: